Sa Pagbubukas ng Pinto
Dagok nga sa puso
ang pagbubukas ng pinto,
sapagka’t ako’y naiipit
sa pagitan ng kahoy at semento;
di mo nakikita, at di mo nalalaman
ngunit ako’y pisa at nasusugatan
para lamang ikaw ay makapasok
nakangiti’t nagmamadali
upang siya’y makitang
naghihintay sa kabila. . .
Di mo ba nalalaman—
paano mo malalaman—
na ako’y pisa sa likod ng pinto,
at siya pang nagbukas nito
para sa ‘yo?
Kay Y.
ang pagbubukas ng pinto,
sapagka’t ako’y naiipit
sa pagitan ng kahoy at semento;
di mo nakikita, at di mo nalalaman
ngunit ako’y pisa at nasusugatan
para lamang ikaw ay makapasok
nakangiti’t nagmamadali
upang siya’y makitang
naghihintay sa kabila. . .
Di mo ba nalalaman—
paano mo malalaman—
na ako’y pisa sa likod ng pinto,
at siya pang nagbukas nito
para sa ‘yo?
Kay Y.