Ang Kanlóng Kong Puso
“With all its sham, drudgery and broken dreams,
it is still a beautiful world.”
from The Desiderata by Max Ehrmann
Agosto 31, 1998. Tahimik ang gabi nang umupo kami ni Trina sa parang ng Mataas na Paaralang Ateneo, tanaw ang tahimik at malumanay na pagkislap ng mga ilaw ng Marikina. “Ang tahimik. Ang lumanay,” bulong niya sa akin, sabay patong ng kanyang ulo sa tiklop niyang mga tuhod. Tahimik siyang nag-isip.
Nagtaka ako sa kanyang katahimikan, isang pagtatakang dinala ko pa mula sa aming paglalakwatsa kasama ng barkada ilang oras pa lamang ang nakararaan. Kung bakit ako naroon kasama ang kasintahan ng isa sa pinakamatalik kong kaibigan, hindi ko lubusang naunawaan. Marahil nangailangan lamang siya ng kausap at kasama ngayong kinakailangang bumyahe ng kanyang boyfriend na si Carlo. Ipinagkatiwala si Trina sa akin. Ako raw ang mag-uwi.
Hindi ko rin naman tinanggihan ng pagkakataon. Kailangan kong aminin na noong high school pa, kursunada ko na si Trina, at kahit na alam kong sila na ni Carlo ang magkasama, at kahit na halos magkapatid ang turing namin ni Trina sa isa’t isa, natural lang sigurong makaramdam ako ng kakaunting kilig noong gabing iyon. (Sabi nga nila, ang kilig ay biyaya rin ng Diyos.) “Ang ganda nga naman ng tanawin,” naisip ko, kasama na rin dito ang mga ilaw ng Marikina. “Tahimik. Malumanay.”
Napangiti ako nang muli kong naalala ang mga masasayang araw na yaon, sa high school, nang tila lahat ng bagay ay nagsisimula at umuuwi sa pag-ibig, nang ang lahat ay maganda, tahimik, malumanay.
Doon nagsimula ang pagliligawan nila ni Carlo, at ako ang nagsilbing tulay. Nakilala namin si Trina sa isang pagpupulong ng mga mag-aaral ng iba’t-ibang mga paaralan sa Maynila. Hindi sila agad nagkausap ni Carlo, ngunit kami nama’y agad na naging magkaibigan. Napakabait kasi ni Trina, bukás, mabilis magtiwala at madaling pagkatiwalaan. At ang kanyang ngiti— higit pa sa init ng unang pagsinag ng araw sa umaga. Halos nakakikiliti.
Kaya nga’t hindi ako nagulat nang malaman kong kursunada pala siya ni Carlo. Laking swerte na lang niya nang malaman kong may gusto rin pala si Trina sa kanya. Kung sa bagay, may hitsura rin naman ang aking kaibigan, cariñoso, bagama’t tahimik at mahiyain.
At nagsimula ang mahabang laro na kung tawagin ay ligaw. Para nga silang mga bata, nakakatuwa: urong-sulong, pahiya-hiya, sulat dito, tawag doon— mga kaligayahang high school. Tila isang masining na nobela ang kanilang pagsusuyuan. May mga bahaging tila kay hirap paniwalaan. Puno ng luha at tawanan.
At sabay naming inalala ni Trina ang mga araw na yaon. Ilang oras din naming pinag-usapan ang mga nakababaliw na kababawan ng aming makulay na kabataan, at kahit paano’y nasiyahan ako na sa aming munting pagbabalik-tanaw, napangiti ko ang kaninang tahimik at nag-iisip na puso.
“O, may gusto ka pa bang pag-usapan?” tanong ko sa kanya. “Medyo late na.”
Sa simula’y nag-alinlangan siya, ngunit pagkatapos ng isa na naming malalim na katahimikan, tahimik siyang nagsimula: “Peej, I think I’m pregnant.”
Natigilan ako, nagitla, sandaling naguluhan, naghanap ng maaaring sabihin, naghanap ng maaaring gawin. Tiningnan ko siya’t malumanay pa rin ang kanyang mukha, ngunit nakita ko sa kanyang mga mata na nais na niyang lumuha. “Luhang high school kaya?” naitanong ko sa aking sarili. Sana, pero hindi yata.
Tahimik niyang binalikan ang kanyang pagkonsulta sa gynecologist, ang tila pagwawalang-bahala ni Carlo, ang damdaming tila ginamit lamang siyang laruan ng isang lalaking pakikipagtalik lamang ang nasa isipan.
Lumipad ang mga tanong sa aking isipan na tila mga balang nakasusugat, nakapapatay. Si Carlo? Paano? Si Carlo na kaibigan ko? Nanggagamit ng tao? “Hindi ganyan si Carlo,” bulong ko. Ngunit ang pigil na luha’y tila naging mas kapani-paniwala.
“I don’t know what to do, Peej. I don’t know what to do. . .” sabi niya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at tahimik na lumuha. Noon niya sinimulang hawakan ang aking kamay, at hinawakan niya itong tila buhay niya mismo ang nakasalalay.
Sinubukan kong magbiro, “Do you know that this is the first time I’ve ever held a girl’s hand?” sinabi ko. Medyo siyang napangiti. Kakaiba ang aking naramdaman.
At sa wakas, yinakap ko siya. Wala akong ibang nasabi kung ‘di, “I’m sorry, Trina. I’m sorry.” Naramdaman ko sa aking dibdib ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Naramdaman ko rin ang galit at puot na nagsimulang mabuo sa sarili kong puso, galit kay Carlo na gumawa nito sa kanya, galit sa sitwasyon at sa mundong mandaraya. At bumalik din sa aking isipan si Carlo at lahat ng aming pinagsamahan, mula high school hanggang ngayon. Pumukit ako’t nalalala ang mga mahahabang gabi sa tarangkahan ng aking tahanan bago kami magtapos sa mataas na paaralan, pinag-uusapan ang aming mga pangarap, ang aming mga patutunguhan, ang aming mga kaibigan at ka-ibigan. Naalala ko nang sabihin niyang, “Peej, mahal ko na ‘ata si Trina.” At pinaniwalaan ko siya. Paulit-ulit na umalingawngaw sa aking isipan: Carlo, anong nangyari sa ‘yo? Anong nangyari sa ‘yo?
Hawak ko ang kamay ni Trina nang kami’y bumalik sa sasakyan, at sa paglakad namin ay natanaw kong muli ang tahimik at malumanay na pagkislap ng mga ilaw ng Marikina. Ngunit sa pagkakataong iyon, naunawaan ko na sa likod ng katahimikan at kagandahang iyon, nabubuhay ang isang mandarayang kamunduhan: naunawaan ko na sa likod ng katahimikan at kagandahan ng mukhang iyon nabubuhay rin ang isang takot at pag-iisa na hindi maaaring hulaan ninoman; at naunawaan ko na sa likod ng katahimikan at kagandahan ng gabing iyon nagmula ang galit, kaguluhan at pagkamulat ng sarili kong kanlóng na puso.

* * *
I fished the foregoing reflection from an old diskette containing files dating from college (almost eight years ago). It's interesting to read old musings and reflections. . . . reminds me how naive I was, and how simple life seemed to be. Once and a while, I guess, it's good to remember.
there's a reason for evr'y pain that we must bear, for evr'y burden we carry. there's a reason for evr'y grief and evr'y teardrop that is shed. there's a reason for evr'y hurt, evr'y plight, evr'y lonely pain-racked night. but if we trust God, as we should, it all will work out for our good.
Posted by Anonymous | 8:05 PM