Nasaan Na Ba Tayo?
Tila ba kay layo na ng ating nalakbay
nang huli tayong muling nagkita.
Hindi na halos makilala
ang halakhak, ang ngiti,
ang hampas ng hangin sa iyong buhok.
Ang mga lugar na dati nating binibisita,
Naririyan pa rin--
pareho pero iba.
At sa gitna ng paninibago
ay may nabubuong pag-aalinlangan
sa kung ikaw pa nga ang taong napag-iwanan
ng mga alaala nating dalawa.
nang huli tayong muling nagkita.
Hindi na halos makilala
ang halakhak, ang ngiti,
ang hampas ng hangin sa iyong buhok.
Ang mga lugar na dati nating binibisita,
Naririyan pa rin--
pareho pero iba.
At sa gitna ng paninibago
ay may nabubuong pag-aalinlangan
sa kung ikaw pa nga ang taong napag-iwanan
ng mga alaala nating dalawa.