Sa Kaharian ng Araw
Written in lyrical and captivating Filipino, Sa Kaharian ng Araw has a simple plot: the search by two friends, Ponce and Paolo, for the legendary Kaharian ng Araw. The two go for different reasons: Ponce is driven by the wealth, power and fame this kingdom promises, while Paolo goes because of his friend.
Their long journey takes them through three kingdoms— Kaharian ng Ulan, Kaharian ng Hangin and Kaharian ng Dilim, each of which cannot be passed unless a heartbreaking toll is paid to its king. In the end, Ponce, broken and alone, reaches the Kaharian ng Araw, the end of the journey for which he has traded everything he holds dear— only to be met by a surprising, spine-tingling revelation. . . .
from Ateneo's classic play about the rat race staged anew
by Paulo K. Tirol, Philippine Daily Inquirer, February 1999.
The minutes seemed to trickle by, a slow stream down that magic mountain, waiting as the day drew to a close. It was Friday, the end of another day, the conclusion of another week, the first of the rest of my life. The office was nearly empty now, the telephones falling dead, the associates and partners going off to their weekend retreats, evening entertainments, golf games, familial obligations. I sat there at my desk defeated, staring into the darkening screen of my monitor just recently turned off, not knowing whether it was loneliness or disappointment that I felt, or whether I knew exactly what I was doing. I blinked my eyes from the strain, stretched my back, looked around, beyond my little corner space, beyond the secretaries' station, beyond the cubicles of my colleagues, and in the harsh glow of the fluorescents realized that in this place of acerbic silences, there were no windows, only walls.
It was a difficult week, especially for me, nursing a holiday cough grown worse. The work was manageable, of course, and somewhat even routinary, but slowly, the deadlines were piling up. It was the cost of being the freshman in a team of veteran lawyers, I thought, and while I was gladly putting in the hours— content as I was doing what I thought I would someday enjoy— the stark luminosity of the moment left me panting and cold: this office was my Clean, Well-Lighted Place, and everything now seemed to be nada y pues nada y nada y pues nada.
It was a difficult week, especially for me, nursing a holiday cough grown worse. The work was manageable, of course, and somewhat even routinary, but slowly, the deadlines were piling up. It was the cost of being the freshman in a team of veteran lawyers, I thought, and while I was gladly putting in the hours— content as I was doing what I thought I would someday enjoy— the stark luminosity of the moment left me panting and cold: this office was my Clean, Well-Lighted Place, and everything now seemed to be nada y pues nada y nada y pues nada.
'Di ka ba nangangambang magising isang umaga at matuklasang ika'y mali pala— na lahat ng tinapon mo't inaksaya ang siya palang tunay na mahalaga?
It was a human moment, I thought, of doubting and opportunity costs. The rollercoaster ride of emotions (as a friend described it) was certainly something quite expected from a fresh graduate like me, where images of the rest of one's life begins to flash with alarming regularity during unguarded moments between memoranda and legal opinions. Somehow I was comforted by the fact that it was probably just cold feet, and as Hemingway quite poignantly wrote, many, indeed, must have it.
* * *
PANGWAKAS
Buhat sa nakapinid na tabing, lalabas nang mabagal ang Hari ng Araw, nakakapang ginto, nakakoronang ginto, ngunit mukhang hapong-hapo, mga mata'y namumugto. Mahihintakutan si Ponce sa alingawngaw ng musika, palakpakan at hiyawan. Mapapagapang pakaliwa. Malumanay na kumumpas ang Hari ng Araw sa di nakikitang madla. Marahang huhupa ang musika, palakpak, at hiyawan.
Hari ng Araw: [Sa tinig na pagod na pagod] Ah, kaibigan, kapatid sa pagkauhaw sa kaharian ng araw, kay tagal-tagal kitang inani-aninaw. Kapatid sa pagkahibang sa tagumpay, kay tagal-tagal kitang hinintay-hintay. Huwang kang matakot. Lumapit ka't paakbay sa isang katulad mo'y kay layo na rin ng nilakbay. Sa iyong pagdating, ako'y may alay. . . kapa't korona ko'y sa iyo ibibigay.
Ponce: Ibibigay? Bakit niyo po ibibigay?
Hari ng Araw: Pagka't ika'y nagtagumnpay. Natamo mo na ang kaharian mong pakay. Sa balikat mo na ngayon aking ilalagay ang kapang dati'y ako ang mga taglay.
Ponce: Hindi po yata bagay.
Hari ng Araw: Iyan ang atas ng tagumpay at ng buhay. Kahit sa bahay, iisa lang ang panganay. Di maaaring dalawang hari ang nakalukluk sa trono. Di ka idolo, kapag may kasalo. [Malungkot na tinig.] Mag-isa ka, kapag numero uno. Ikaw ang bagong panalo, kaya't heto, tanggapin ang premyo.
Ponce: Ngunit kayo nama'y paano?
Hari ng Araw: Galing na ako sa pinagdaanan mo, pati na sa iyong patutungo. Nahibang na nang totoo, nasugatan na nang husto. Pinagpalit nang lahat, pati mga minahal ko. Tulad mo. Ngayo'y pabayaan mo na lang akong makalaya rito.
Ponce: Ngunit ang kahariang hanap ko, nasaan ito?
Hari ng Araw: Nagsisimula rito. . . . ang kahariang ngayo'y sa 'yo. Kaya, bago pumasok sa kaharian mo, isuot mo na muna ang kapang ito. Ipatong mo muna, korona sa ulo. Tanggapin ang paghanga't palakpak ng tao.
Magpapalakpakan at maghihiyawan ang koro.
Ponce: Ngunit ang kahariang paghaharian ko, paanong mapapasok ito?
Hari ng Araw: Ipikit ang mga mata. Iwagayway ang korona't at kaharia'y lilitaw kapagdaka.
Hahakbang ang dating hari nang papaalis. Pipigilan ni Ponce.
Ponce: Huwag, huwag niyo akong iwanan.
Hari ng Araw: Nawa'y wala kang pagsisihan.
Ponce: Ngunit bakit, bakit? Pinaghirapang kaharia'y bakit ngayo'y tinatakasang pilit?
Hari ng Araw: Mga mata mo'y mulan nang ipikit nang katotohana'y iyo na ring masapit.
Sumandaling bantulot si Ponce sa kanyang gagawin. Sa wakas, ipipikit ang mga mata. Iwawagayway ang korona. Bubukas ang nakapinid na tabing sa dilim. Tunog ng isang bungkaka. Dahan-dahang mag-iilaw ang entablado. Isa pang bungkaka. Maraming bugkaka-- hungkag at basag ang tunog.
Matatambad, sa buong pag-iilaw, ang nagbabagang entablado. Walang anumang laman.
Ponce: Walang laman? Walang laman? Walang anupaman? [Sa dating hari] Ang Kaharian ng Araw ba'y walang laman?
Hari ng Araw: Walang laman. 'Yan ang mapait na katotohanan.
Ponce: Nasaan ang aking mga pinagimpan? Nasaan ang saya at kinang? Ang galak at pagdiriwang? Ang kasukdulang walang hanggang? Na sa pagkauhaw ko'y titighaw? Na sa pagnanasa ko'y aagaw? Na sa puso ko'y mag-uumapaw? Nasaan? Nasaan?
Hari ng Araw: Wala. Wala, kaibigan. Ang tunog ng tagumpay ay pakinggan: hungkag at basag, mapanglaw at bahaw. Tulad ng hiyaw na sa buho, umaalingawngaw.
Ponce: Ano? Pinagpalit ko ang kabayan at kasintahan, mga magulang at ang tahanan, pati ang aking pinakamatalik na kaibigan, para sa kahariang walang laman?
Hari ng Araw: 'Yan ang kabayaran sa ating kahangalan. Paalam, kaibigan.
Ponce: Huwag ninyo akong iwanan.
Hari ng Araw: Dapat akong maghanap ng sarili kong kapatawaran. . . kung ito pa'y matatagpuan.
Ponce: Ngunit ako'y mag-iisa.
Hari ng Araw: 'Yan ang sa ati'y pinakamabigat na parusa.
Tuluyang lalabas ang dating Hari ng Araw.
Ponce: [Mag-isa sa pagkalito at pagsisisi. Halos mapapahagulgol.] Saang langit ngayon hihingi ng habag, para sa hibang kong paglalagalag? Ako'y nagpabulag, nagpabulag, sa tagumpay na hungkag! Hungkag! Hungkag!
Mapapaluhod sa panghihina. Mapapahagulgol sa panghihinayang. Kasabay ng marahas na paglabnot sa kanyang gintong kapa, mapapahiyaw sa dagok ng pagkakaunawa sa hubad na katotohanan.
[Sisigaw] Aaaaaaahhhhhhhh!
* * *
The most oppressive time of the day is dusk, of course, as I leave the office and walk quietly to my car. The end of a long day, tiring and empty. The sunset sky darkens, the velvet rays reflecting luminous against the pane glass of the buildings. Melancholy never was so palpable, I thought, and the longing never so human.
Would only had I you to call at the end of my day.
I get into my car. Start the engine. Drive home.
Would only had I you.
Hi Peej,
Looks like we'll be working again this coming holy week. Kinukulit ako ni Fr. Nemy to emcee the liturgy.
Nice blog by the way. I look forward to read more of your thoughts about life. Cheers!
Posted by Jhaw, sj | 7:53 PM
it hit the spot, right there.
"would only i had you".
galing.
Posted by Zhinesade | 4:52 AM
hey, i was just thinking about incorporating the story of "sa kaharian ng araw" into a blog, and i couldn't remember the characters' names, so i searched and found this. loved that play, saw it back in high school. nice blog. touching.
Posted by Dee @ A Deecoded Life | 6:35 AM