Recuerdo
Sa gabi, nahuhulog ang mga alaala
na gaya ng mga piraso
ng nabasag na salamin
nagkalat sa sahig,
pinupulot isa-isa,
pilit ipinagsasama’t binubuo:
mga pira-pirasong luha
na inipon at kinuyom
habang sabay nitong sinasalo
ang maruming liwanag
ng makalimuting gabi.
At sa pagtatagpo ng mga bubog,
dahan-dahan ding nabubuo
ang nagmamasid sa atin
mula sa loob ng baság na salamin:
tayo rin, pira-piraso’t baság.
Nakabubuti rin naman
ang mahiwa
ng matalim na bubog ng alaala:
ang hilaw at nagdurugong laman
ay mabuting paalala
na tayo nga pala’y buhay pa.
na gaya ng mga piraso
ng nabasag na salamin
nagkalat sa sahig,
pinupulot isa-isa,
pilit ipinagsasama’t binubuo:
mga pira-pirasong luha
na inipon at kinuyom
habang sabay nitong sinasalo
ang maruming liwanag
ng makalimuting gabi.
At sa pagtatagpo ng mga bubog,
dahan-dahan ding nabubuo
ang nagmamasid sa atin
mula sa loob ng baság na salamin:
tayo rin, pira-piraso’t baság.
Nakabubuti rin naman
ang mahiwa
ng matalim na bubog ng alaala:
ang hilaw at nagdurugong laman
ay mabuting paalala
na tayo nga pala’y buhay pa.